OLD CAPITOL AT IBA PANG OPISINA DE GOBYERNO, I RE-RENOVATE

Pinukpukan na noong December 9, 2022 sa virtual meeting ng Sangguniang Panlalawigan ang gagawing landscape renovation sa Old Capitol, Provincial Capitol sa Palayan City, Sierra Madre Suite at Convention Center na magmumula ang pondo sa mga naipong funded vacant position ng lalawigan na nagkakahalaga ng 30 Million pesos.

Hiniling ni Governor Aurelio Umali na magkaroon ng landscape renovation sa mga nasabing lugar upang patuloy na mapangalagaan ang mga lugar na ginagamit na opisina ng mga departamento ng lalawigan.

Sa loob ng dalawang daan at apatnapung taon ay isa ng piping saksi ang Old Capitol sa Cabanatuan City sa pababago ng lideratura ng lalawigan.

Itinatag noong 1780 ng kabisera pa ng La Provincia de Nueva Ecija ang Cabanatuan City noong panahon ng American colonial period at idinisenyo ng prominenteng Amerikanong Arkitekto na si William Parsons.

Dumaan man ang malalakas na bagyo, lindol at mga kalamidad ay nananatiling nakatayo ang Old Capitol kung saan matatagpuan ang ilang departamento ng Provincial Government.