P10 FARM GATE PRICE NG SIBUYAS, PIPIGILAN UMANO NG DA
Pipigilan umano ng Department of Agriculture ang pagsadsad sa presyo ng sibuyas sa P10 kada kilo.
Sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, gumagawa na sila ng hakbang para matulungan na huwag malugi ang mga magsisibuyas.
Nais ipatuad ng DA ang pagkakaroon ng floor price sa sibuyas kaya nakipag-usap ang ahensiya sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG para hindi na ito bumulusok pa sa P10 bawat kilo.
Ayon sa DA, kung itatalaga sa P50 ang floor price ay magkakaroon na ng P25 na kita sa bawat kilo ng sibuyas ang mga magsasaka.
Sa kasalukuyan, ang farm gate price ng sibuyas ay nasa P40 hanggang P50 bawat kilo habang ang bentahan naman nito sa palengke ay nagkakahalaga ng P80 hanggang P100 per kilo.
Samantala, sa aming panayam sa Office of the Provincial Agriculturist na si Bernie Valdez, as of March 13, ang kalakarang presyo ng medium size ng pulang sibuyas sa Nueva Ecija ay nagkakahalaga ng P55 hanggang P65 habang ang puting sibuyas naman ay nasa P60 hanggang P65.