LIKHAAN SA LIWASAN, HANDOG PARA SA MGA ASPIRING ARTIST NA NOVO ECIJANO
Tuwing Biyernes ng hapon ay mayroong likhaan sa liwasan o sa Freedom Park ng Cabanatuan City para sa mga aspiring Novo Ecijano na mahihilig mag drawing, mag painting at iba pang sining.
Ayon sa pangulo ng Likhaan na si Ms Ivy Miranda, magtuturo sila sa mga aspiring artist ng basic sketching at painting para sa kabataan ,at mahikayat na rin na makasama nila sa kanilang grupo pati na rin ng mga magagaling na artist sa Lalawigan.
Sa unang Friday ng Likhaan ay nagpakilala ang mga ibat ibang artist ng Nueva Ecija para magbigay ng inspirasyon sa mga batang artist gaya nila Gromyko Sempre, Alfredo Agunoy, Ms Sheen Eugenio ng SM City Cabanatuan na isa ring magaling na artist at nagsilbing modelo ng ginagawang drawing ng mga aspiring artist na mga kabataan.
Layunin umano ng Likha Nueva Ecija ay mailabas ang kanilang angking talento sa painting at pagguhit, magkaroon ng isang malaking exhibit para makilala, na ang Nueva Ecija ay maraming mahuhusay na artist, at matulungan na rin ang mga young artists na maibenta ang kanilang mga obra maestra para magkaroon ng extra income.
Nanghihinayang din aniya sila na ang mga gawang sining ng mga artist ay nakatago lamang sa kanilang mga bahay.
Kaya ito na umano ang simula na maging maayos na ang sining sa Nueva Ecija at matulungan ang mga kabataan na mailabas ang kanilang angking galling.
Kaya lubos ang kanyang pasasalamat kay Governor Aurelio Umali na nakahandang tumulong at sumoporta sa mga Novo Ecijano na may mga angking talento na makatuklas at ipinagmamalaki sa mundo ng sining.