LA TENORIO NG BRGY.GINEBRA, UMAMING MAY STAGE 3 COLON CANCER; RENZ JOSEPH ABANDO, MAY PINAKAMALAKING SAHOD NA PINOY IMPORT SA KBL
NAHAHARAP sa pinakamabigat na pagsubok ng kanyang buhay ang premyadong guard ng Barangay Ginebra Gin Kings na si LA ‘LUIS ALFRED”Tenorio.
Ibinunyag ng ‘Tinyente’ ng PBA ang pagkakaroon niya ng Stage 3 colon cancer.
Sa isang official statement ay inamin ni Tenorio na mayroon siyang stage three colon cancer at sumailalim sa isang surgery noong nakaraang linggo.
Kinilala si Tenorio bilang PBA ‘Ironman’ dahil sa kanyang record na 744 sa paglalaro simula nang kunin ng San Miguel bilang No. 4 overall pick noong 2006 Rookie Draft.
Hindi na siya nakapaglaro noong Marso 1 sa pagharap ng Ginebra sa Meralco.
Halos 17 taon ding naglaro sa PBA si LA at ayon sa kanya halos buong buhay na niya inialay ang sarili sa Basketball dahil ito ang kanyang passion at dahil pagmamahal sa naturang laro.
Ito ang malungkot na pahayag ng basketbolista na produkto ng Ateneo Blue Eagles.
Sa kabila ng kanyang sakit, pinawi ni Tenorio ang pag-aalala ng kanyang mga fans dahil hindi pa naman daw siya magreretiro sa PBA.
Kumpiyansa ang eight-time PBA champion na makakarekober siya at muling makakapaglaro.
SAMANTALA
RENZ JOSEPH ABANDO, MAY PINAKAMALAKING SAHOD NA PINOY IMPORT SA KBL
Si-Rhenz-Abando Ang Abando na tubong Sto.Tomas La Union ang may pinakamataas na bayad na import na Pinoy sa KBL Korean Basketball league2022-23 sa team ng Anyang-KGC (Korean Gensing Corp.)
Sa ulat ng Korean basketball outlet na Jumpball, ang produkto ng Unibersidad ng Santo Tomas at Colegio de San Juan de Letran at NCAA Season 97 Most Valuable Player ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa Anyang KGC na nagkakahalaga ng ₩237,000,000 (P9,786,911.55).
Sa isang season sa loob ng siyam na buwan ay kumikita si Abando ng halos P1,090,000 kada buwan, mas mataas kumpara sa PBA superstar player, na nasa P420K.
Sa dalawang laro pa lamang ni Renz Abando ay pinahanga nito ang mga Koreans dahil sa taglay nitong athleticism at pagiging high flyer nito ay pinatunayan nito na isa siyang malakintg asset sa team ng KGC pagdating sa depensa at opensa. Kaya hindi nakakapagtaka na hawak ngayon ni Renz ang highest paid Asian Import ng KBL ng Korea, kaya hindi na nila pinakawalan si Abando dahil worth it ito sa kanilang team.