SENSITIBONG BALITA:

MIYEMBRO NG MARTINEZ ROBBERY GROUP, KASAMA NITO, NADAKIP SA TALAVERA

Nahuli ng Nueva Ecija Police ang isang miyembro ng Martinez Criminal Group, at kasama nito na sangkot umano sa serye ng mga pagnanakaw sa Cabanatuan City na binibiktima ng mga convenience store gamit noong March 21, 2023.

Ang mga suspek ay isang 20-anyos na lalaking miyembro ng nasabing grupo, habang ang kasama nitong nadakip ay isang 30-anyos na lalaking construction worker, na kapwa residente ng Barangay Bakod Bayan sa Cabanatuan.

Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director, NEPPO, 2:40 ng hapon, nagsagawa ng Anti-illegal Drug Buy-bust Operation ang magkasanib na elemento ng Talavera PS (lead unit), PIU (Police Intervention Unit), at PPDEU (Provincial Drug Enforcement Unit) sa Barangay Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Nakabili ang mga pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nang maaresto umano ang mga suspek ay dalawa pang transparent plastic sachet na may lamang more or less 5 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 40,000.00 at isang (1) homemade Cal. 45 pistol na may kargang limang bala ang nasamsam sa kanila.

Nasa kustodiya na ngayon ng Talavera Police ang mga suspek at isinailalim sa tactical interrogation para matukoy ang iba pang miyembro ng grupo at ang kanilang kinaroroonan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Violation of RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Tinitiyak ni PCOL CABALLERO na ito na ang simula ng pagbagsak ng lahat ng mga grupong sangkot sa krimen sa lalawigan alinsunod sa direktiba ni Police Region 3 Director JOSE S HIDALGO JR.