SENSITIBONG BALITA:
HIGIT KALAHATING MILYONG HALAGA NG DROGA, NAKUMPISKA NG KAPULISAN SA GAPAN CITY
Umaabot umano sa mahigit kumulang 82 grams ng illegal na droga na nagkakahalaga ng Php557,600.00 ang nakumpiska ng mga operatiba ng Gapan Police Station mula sa dalawang suspek sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation at Barangay Bayanihan, Gapan City noong March 27, 2023.
Kinilala ang mga inarestong suspek na sina Rolan Rillera y Corpus, 32 years old, single, tubong San Manuel, Tarlac; and Alexis Lovelace Cinense y Pulbosa, 24-anyos, tubong Cabanatuan City na kapwa residente ng Divina Pastora Subd., Brgy. Bayanihan, Gapan.
Base sa report ng kapulisan, magkasabwat sina Rillera at Cinense na nagbenta ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.
Sa isinagawang body search, dalawang piraso pa umano ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang at isang bundle ng pera ang nakuha mula kay Rolan.
Habang isang piraso naman ng plastic sachet na may lamang pinagsususpetsahang shabu ang narekober kay Alexis.
Dinala sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit for laboratory examination ang mga nasamsam na ebidensya samantala ang mga suspek ay isinailalim sa drug test.