EX-BOYFRIEND, TINUPAD ANG PANGAKO NAGING MAKE UP ARTIST NI BRIDE SA KANYANG KASAL
Viral ngayon sa social media ang istorya ng isang bride at kanyang makeup artist sa kanyang kasal na dati palang magkasintahan.
Kamakailan ay ibinahagi ni Ericson Pascual sa kanyang Facebook account at TikTok ang video ng mismong kasal ng kanyang ex-girlfriend na may caption na “At least natupad ko yung sinabi kong ikaw yung pinakamaganda sa wedding mo kasi ako ang make-up artist mo.”
Ibinahagi ni Ericson ang kanilang kwento sa pamamagitan ng text captions, na dati daw niyang ipinangako sa kanyang dating kasintahan noong sila pa na gagawin niya itong pinakamagandang bride sa araw ng kanilang kasal.
Nagkahiwalay man sila sa hindi inaaasahang pagkakataon ay nanatili umano silang magkaibigan at patuloy din ang komunikasyon sa isa’t isa.
At nang magkaroon na ng bagong karelasyon at ikasal si ex-girlfriend ay tinupad pa rin nito ang kanyang pangako dahil siya ang nagmake-up sa kanya sa araw ng kanyang kasal.
Aniya pa, noong sila pa daw kasi ay wala pa siyang pera pambili ng regalo sa kanyang ex kaya nagprisinta itong maging makeup artist niya sa kanyang kasal bilang regalo dito.
Hindi man daw sila ang nagkatuluyang dalawa ay masaya siya dahil alam nitong nasa tamang tao na ang dating karelasyon.
Umani naman ng magkakahalong reaksyon ang video mula sa mga netizens na nabagbag ang mga damdamin at hangad daw nila na matagpuan na rin ni Ericson ang tamang tao para sa kanya.