MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT INOBASYON, PINASILIP SA 1ST NEUST TECHNOVATION EXPO
Matagumpay na binuksan sa publiko ang kauna-unahang NEUST Teknovation Expo sa pamumuno ni University President Dr. Feliciana P. Jacoba na naganap nitong ika-27 ng Marso sa Nieto Hall, Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) – Sumacab Campus.
Kolaborasyon ang naging tema ng programa na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pamantasan at kolehiyo ng Region 3, at Micro, Small, Medium Enterprises o MSMEs ng Nueva Ecija.
Ang Technovation Expo na ito ay mungkahi ng University Production Office sa pangunguna ni Dr. Kenneth Armas at binigyan ito ng buong suporta ng administrasyon.
Ito rin ay nakapokus sa mga proyekto ng unibersidad gaya ng MeTAL Innovation Center at Technology Business Incubator kung saan ang mga na-develop na research ng kanilang faculty members ay dadaan sa business incubation bago ang commercialization at utilization na layuning tulungan ang mga kababayan nating Novo Ecijano gayundin ang mga MSMEs ng lalawigan.
Ayon pa sa Presidente ng Unibersidad, isa sa mga dahilan ng pagsasagawa ng ganitong paglulunsad ay upang makilala ang NEUST sa larangan ng pagtulong sa buhay ng bawat mamamayang Novo Ecijano, partikular na ang ating mga magsasaka.
Labing-walong booth Innovation Expo ang lumahok at ilan sa mga agaw pansin ay ang Hydrophonic Lettuce Watering System ng Papaya off-campus, 12V Power Supply AC-DC Distribution Box ng College of Education, Bacon Jam ng Atate Campus, Center for Indigenous Peoples Education ng College of Public Administration and Disaster Management, Notable Ergonomic Universal Working Table ng College of Industrial Technology, at Silong at Skwela-Kawayan ng College of Architecture.
Nakaranas man ng diskriminayon noong una ngunit ngayon ay proud na ibinahagi ni Sir Aldrich Nathaniel Marte, isang faculty member ng NEUST – Sumacab, ang kaniyang mga bagong innovation tulad na lamang ng Food Waste Shredder na puwedeng gawin at gamiting organic fertizers ng ating mga halaman.
Labis din ang pasasalamat ng mga kalahok ng Teknovation Expo sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang maipamalas ang kanilang husay, talento, at pagkamalikhain sa pagbuo ng ganitong mga makabagong produkto at teknolohiya.
Bukas din ang unibersidad sa pagkakaroon ng 2nd NEUST Technovation Expo para mas palawakin ang layunin nitong iangat ang buhay ng bawat Pilipino.