LIBRENG PAGKAKAPON NG ASO, PUSA, ISINASAGAWA NG PROVINCIAL VETERINARY OFFICE

Isa sa dapat taglaying katangian ng isang pet owner o isang responsableng pet owner ay isipin ang kapakanan ng alagang hayop gaya ng pagkakapon.

Ang tawag sa english ay spaying and neutering.

Ang spaying ay ang pagtanggal ng reproductive organ sa alagang hayop na babae.

Samantalang ang pagtanggal ng testicles sa alagang lalaki ay tinatawag na castration, ang common term nito ay “neutering” o pagkakapon.
Bakit nga ba mahalaga ang pagkakapon?

Ayon kay Dra. Averrilla ito ay upang mapigilan ang pagdami o paglaki ng populasyon at maiwasan nang gumala ang ating mga alagang aso’t pusa.

Kapag hindi kinapon, nagiging sanhi ito ng pagdami ng stray animals.

Ang pusang babae sa loob ng isang taon ay maaaring magbuntis ng anim na beses at magsilang ng halos 50 kuting.

Habang ang babaeng aso ay dalawang beses manganak at magsilang ng 20 tuta sa loob ng isang taon.

Ang pagkakapon ay may magandang epekto sa kalusugan, dahil ayon sa pag-aaral mas humahaba ang life span ng mga hayop, at nababawasan din ang pagiging agresibo.

Maaari na itong gawin kapag nasa edad 5 buwan, o sa panahon bago pa dumating ang “heat” period ng alaga.

Bago gawin ang surgical procedure may preparation na isinasagawa gaya ng blood test at physial examinations.

Ang surgery ay tumatagal ng 15-30 minutes at ang recovery period kapag magaling na ang sugat ay nasa isa hanggang dalawang Linggo.

Dagdag pa ni doktora
huwag daw masyadong mag-aalala sa gastos dahil low cost at nagsasagawa ng libreng pagkakapon ang Provincial Veterinary Office para sa lahat ng mga Novo Ecijano.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng PVO sa tulong at suporta ni Governor Aurelio Umali at sa Bise Gobernador Doc Anthony Umali sa lahat ng kanilang mga programa.