PAGSUKO SA KABUHAYAN UPANG LUBOS NA SUMUNOD SA DIYOS, TAMPOK NA PATOTOO SA COUNT YOUR BLESSINGS
Sa huling episode para sa buwan ng Marso para sa selebrasyon ng Women’s Month ng Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ay nag bahagi ng kanyang karanasan si Sister Lanie Feliciano, kung saan ipinatotoo nito kung paanong isinuko nila ang kanilang kabuhayan para sa pag sunod sa Panginoon.
Sa panayam nina Dra. Kit at guest co-host na si SF dela Peña, sinabi ni Sister Lanie na noon ay naka focus silang mag-asawa sa pagpapalago ng kanilang pamilya, bagay aniya na kahit anong pagsisikap nila ay patuloy na bumabagsak ang kanilang kabuhayan.
dahil sa lubusang pag sunod sa Panginoon at pag pa-prioritize ng kanilang ministry ay dito aniya niya nakita ang kapangyarihan ng Panginoon na minsan ay hindi sila pinagkulangan.
Mensahe naman ni Sister Lanie sa mga kapwa nya kababaihan na may asawang may ministry ay tumiwala sa Panginoon dahil Siya rina ng magbibigay ng kanilang pangangailangan sa buhay.