BARANGAY GINEBRA, PASOK NA SA FINALS NG PBA GOVERNOR’S CUP
Matapos na matambakan ng 18 puntos ang Barangay Ginebra sa laban nila kontra San Miguel Beermen noong Wednesday March 29,2023 ay muling pinatunayan ng Ginkings ang kanilng never say die.
Sa 1st half nagpakita ng bangis ang San Miguel nang magpakawala ang kanilang mga shooters ng mga back to back 3 points para samantalahin ng Beermen ang mga turn overs ng Ginebra.
Second quarters ay kontrolado pa rin ng SMB ang laro para lumamang ng 12 points lead sa pagtatapos ng 1st half, hanggang sa 3rd quarter ay tinambakan ng 18 points ang mga bata ni Tim Cone.
Sa 4th and last quarter ay dito nawala ang hang over ng Ginebra at sinimulan ni Scottie Thompson at Christian Standhardinger na makahabol, kasama ang mga 3 points shoot ni Jeremiah Gray and Justin Brownlee para sa 8-0 run para maibaba sa 10 ang kalamangan ng San Miguel na naging 70-60 sa 10 minutes na natira sa last quarter.
Isang matinding 3 points naman ang pinakawalan ni Noypi Kabayan Justin Brownlee para mailapit ang lamang sa 5points para sa 77-72 sa nalalabing 5:34 seconds sa 4th quarter, pero kaagad namang binawi ito ni Marcio Lassiter sa kanyang baseline floater.
Pagpasok ng last 2 minutes ay isang 3 points ang pinakawalan ni Jeremiah Gray para burahin ang 18 points at makuha ang kalamangan sa 83-81.
Isang matinding recovery shoot pa ang pinakawalan ni Brownlee matapos na matapik ang bola at makuha pang maitira para mas lalong lumamang sa score na 85-82.
Pero kagad naman itong binawi ni Lassiter nang tumira ng 3 para itabla sa 85 all, may 39 seconds pa sa final quarter.
Last ball position ni Justin Brownlee ang may hawak ng bola para sa kanilang last shoot nang umatake at magbigyan ng drop past si Standhardinger para masiguro ng 87 to 85.
Sa last 4 seconds ay sinubukan ulit ni Lassiter na maitabla ang laban pero hindi na pumasok ang kanyang tira.
Wagi ang Barangay Ginebra sa final score na 87-85 at kauna-unahang team sa PBA na tumalo sa San Miguel sa isang best of 5 series na 3-0 ng semifinals.
Pinangunahan ni Brownlee ang Ginkings na may 22 points, 14 rebounds,4 assists at 2 steals.
Nagtala naman si Scottie ng double double na may 17 points, 11 rebounds.
Standhardinger 14 points, Gray 13 points, at Jamie Malonzo 12 points.
Naghihintay na lamang ang Barangay Ginebra kung sino ang kanilang makakalaban sa best of 7 finals against TnT Tropang Giga at ng Meralco Volts.