GANDANG MULA ULO HANGGANG PAA, SAGOT NG SKINVESTMENT STUDIO SA MGA NOVO ECIJANA
Mahalagang maalagan ang sarili bilang babae at ina, ito ang nagtulak kay Norvie Miranda, dating flight attendant at may-ari ng Skinvestment Studio upang magtayo ng klinika na nag-ooffer ng mga serbisyo mula ulo hanggang paa.
Ilan sa kanilang mga serbisyo ay ang brow lamination, eye lash lifting, deep cleansing facial, warts removal, foot spa, manicure at gel manicure, pedicure, underarm whitening at IPL hair removal.
Ipinagmamalaki din nila ang kanilang Hifu Vmax na nakasentro para sa pagpapaliit ng inyong mukha at pagtatanggal ng excess fats sa tiyan.
Para sa buwan ng Marso ay mayroong sampong promos na iniaalok ang Skinvestment kung saan maaavail ang iba’t ibang serbisyo sa mas murang halaga lamang tulad ng underarm whitening na dating nagkakahalaga ng Php1, 478 ngayon ay Php888 na lamang.
Sa halagang Php4, 999 na dating Php7, 390 ay maaavail na ang 5 session plus 2 session ng underarm at IPL whitening, makakamura din sa kanilang Hifu Vmax (skin tightening and lifting) package sa halagang Php2, 499 na may kasamang Hifu Face and Tummy with free regular facial.
Soon ay mag-ooffer na rin ang Skinvestment ng micro blading, micro shading, at scalp pigmentation para sa mga nakakalbo na.
Bukas ang Skinvestment mula Lunes hanggang Linggo, 10:30 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi na matatagpuan sa San Vicente, Gapan City, at para sa iba pang katanungan maaari silang kontakin sa numerong 0917-327-1241 o bisitahin sila sa kanilang Facebook page na Skinvestment Studio at Instagram account skInvestment.studio.