AWAY-TRAPIKO SA SAN JOSE CITY, NAUWI SA PAMBUBUGBOG

Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pambubugbog sanhi ng away sa trapiko sa Barangay San Agustin, San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktimang si BEEJAY CORBE y Micua, 39 years old, married, security guard, residente ng Brgy., Kaliwanagan, San Jose City; habang ang mga suspects ay sina WILLIE ABAYA y Pagatpatan, 29-anyos, kasama ng kanyang live-in partner, businessman, RICO ABAYA y Camuyag, 41 years old, with live-in partner, and WILLIAM ABAYA y Anastacio, 59-anyos, married, farmer, na lahat at residente ng Brgy., San Agustin, San Jose City.

Base sa report na isinumite kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director, NEPPO, dakong alas-7:00 ng gabi noong April 2, 2023 nang rumesponde ang mga elemento ng San Jose City Police Station sa Barangay San Agustin, San Jose City, Nueva Ecija dahil sa alitan sa trapiko ng biktima at suspek na si WILLIE ABAYA.

Pinagtulungan umano ng mga suspek na hagupitin ang biktima na nagdulot ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Ang mga dinakip na suspek ay nahaharap ngayon sa kasong Physical Injuries.