IWAS HULI SA HPG, IWAS MULTA AT ABALA
Para s ating mga Motorista lalo na sa mga Motorcycle Riders, Kapag may nakita ng HPG Highway Patrol Group,Para bang nakakita kagad ng multo sa kalsada,kanya kanya na silang iwas o di kaya kanya kanya na silang hinto hanggat hindi umaalisang naghuhuli, ang iba naman ay maghahanap nan g ibang madadaanan makaiwas lang sa HPG
Kaya para maiwasan natin na hindi mapara o mahuhuli
1.Dapat kapag tayo ay magmamaneho ng motorsiklo ay lagi tayong naka helmet ,at kailngan ang gamit nating mga Helmet ay may ICC sticker,Bawal gumamit ng substandard at defective helmet,gaya ng Mtb helmet,o baseball helmet ang iba kasi kaya gusto umano nilang gamitin ang mga substandard ay dahil sabi nga nila magaan ,minsan ang gamit pang helmet ng iba ay ang construction hat
2.Bawal din ang mga naka stinelas,o Sandals ,dapat ay nakasapatos anytime na magmamaneho,pwede rin yung close Sandals gaya ng crocks basta natatakpan ang paa
3.Para naman sa mga gumagamit ng mga auxillary lamp,dapat ito ay may sariling line at switch,at hindi pwedeng nakababad sa stedy on,ginagamit lamang ito sa mga madidilim na kalsadaAt ang pwedeng kulay naman nito dapat ay dilaw at puti lamang.
Ang position nito ay dapat nakatutuk pababa ng kalsada,hindi pwede nakatutuk sa kaliwa o kanan,o pataas dahil nakakasilaw ito sa mga makaksalubong
Ang maximun bulb sa bawat auxillary lamp ay 6 bulb bawat isa ibig sabihin kung dalawa ang gamit mo , 12 bulb lng lahat pag somobra Bawal na ito
4.Sa position naman nito dapat hindi mataas sa manibela , at hindi dapat gumagalaw at bawal din na ikabit sa shock nito,at hindi dapat gumagalaw
5.Ipinagbabawal din ang mga loud pipe 0 naka open pipe. Ang after market pipe ay pinapayagan ng LTO may memorandom at guidelines na inilabas dito sa mga gumagamit ng aftermarket ibig sabihin hindi stock pipe.
Ang maximum dB lamang para sa naka loud pipeay 99 dB lamang
exempted lang talaga dito ang mga Bigbikes 400cc pataas ang below 400cc hanggang sa 100 cc ang sakop lamang nito
Kapag nasita ka ng enforcers dahil sa loud pipe dapat meron silang dalang decibels meter para ma test ito,once na lang kung talaga ng open pipe ang motor mo cguradong huli ka tlaga
At ang pang huli dapat ay palaging dala ang OR CR at lisensiya kapag nagmamaneho
Kaya para maiwasan ang malaking abala at multa siguraduhing naka Rehistro ang ating mga sasakyan dahil 10 libo ang multa nito kapag unregistered
Paalala lang sa ating mga motorcycle Riders palaging mag iingat sa pagmamaneho at iwasan ng pagiging kamote Riders..laging iisipin na may pamilyang naghihintay sa ating mga pag uwi