PAGSUBOK SA BUHAY, NABIGYAN NG SOLUSYON DAHIL SA PANANALIG SA PANGINOON
Ibinahagi ni Sister Elinore at Pastor William Castellon sa Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kanilang naging karanasan sa negosyo na sumubok sa kanilang pananalig sa Panginoon sa oras ng pagsubok.
Sa panayam nina Dra. Kit at guest co-host na si SF dela Peña sa mag-asawa, ibinahagi nito na dahilsa pagkaka lubog sa utang at pagsasara ng kanilang shawarma business ay dumating sila sa punto na ang tanging kinakapitan na lamang nila ay ang salita ng Panginoon.
Bagaman mabigat na ang puso at hirap na sa kanilang sitwasyon, naniniwala pa rin si Pastor William na patuloy na sinasagot ng Panginoon ang kanilang panalangin.
Dahil sa pangungusap ng Panginoon at pagbibigay ng mga signs ay nabuhayang muli sina sister Elinore at Pastor William na ituloy ang kanilang business kahit nasa gitna ng pandemya.
Ngayon ang kanilang Shawarma House ay mayroon ng 6 Branches kung saan meron na rin sila sa Bulacan at Angeles, Pampanga.
Bagaman successful na sa kanilang business ay naniniwala pa rin sina Pastor William na ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang gabay at biyaya ng Panginoon.