GINANG NA MAY STAGE 2 CANCER, BINIGYAN NG FINANCIAL ASSISTANCE NG KAPITOLYO
Halos bumagsak umano ang langit at lupa para kay Eva de Guzman 58 anyos ng Bongabon, Nueva Ecija nang ma diagnose na mayroon siyang Stage 2 Cervical Cancer.
Kwento nito, unang pumasok sa kanyang isip ay kung papaano na ang kanyang pamilya, at saan sila kukuha ng pera para pampagamot?
Dahil tanging pagtatanim ng sibuyas at palay sa maliit na lupa na kanilang sinasaka lamang sila umaasa ng ikinabubuhay na sapat lamang para sa kanilang pagkain at gastusin sa araw-araw.
Subalit dahil sa kanyang pamilya, anak, asawa, at pinakamamahal na apo ay kailangan niyang maging matatag para harapin ang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay.
Pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon at pagmamahal ng kanyang pamilya ang naging lakas niya para malagpasan ang kanyang sakit.
Sa pamamagitan ng financial assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ay nabigyan umano si Eva ng tulong para makakapag pagamot sa naturang sakit.
Kaya lubos ang kanyang pasasalamat kina Gov.Oyie at kay Mam Cherry Umali na personal mismong nag-abot ng nasabing tulong financial sa kanya kalakip ang pangungumusta ng mag-asawa sa kanyang kalagayan.
Sa ngayon ay nasa 90% na umano ang kanyang total recovery dahil sa suporta sa kanya ng mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya, higit sa lahat ang kanyang pananampalataya at pagtitiwala sa magagawa ng Diyos.