LTO AT HPG, NAG-SURPRISE INSPEKSIYON SA CABANATUAN CENTRAL TERMINAL

Nagsagawa ng surprise inspeksyon ang Land Transportation Cabanatuan Dist. Office at ang Highay Patrol Group N.E. noong nakaraang Abril 4 kaugnay ng Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa 2023.

Tiniyak ng nasabing ahensiya ng gobyerno na maging maayos at ligtas ang mga pasahero na sasakay sa mga Provincial Bus na uuwi sa kani-kaniyang mga probinsiya.

Kailangan umanong makapal ang mga gulong ng bus, maayos ang signal ng head lights nito, pati narin ang break lights.

Maging ang wifer at windshield nito dapat ay maayos walang crack ang mga ito at maging ang busina.

Isa sa mga Provincial Bus byaheng Baguio ang natikitan matapos na hindi dala ang bagong rehistro ng kanilang bus.

Bagaman nakarehitro naman ito ayon sa LTO dapat palaging dala ang lahat ng dukomento ng bus habang bumebyahe ang mga ito.

Ipinakita rin nila ang kanilang bagong Electronic TOP na kapag ikaw ay natikitan ay diretso na l ito sa kanilang Land Transportation Management System o LTMS.

Paaala naman ni PMAJ Karl Eliseto Subere team leader ng HPG Nueva Ecija sa mga driver na panatilihin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero para sa maayos na paglalakbay .

Ayon sa kanya tuloy tuloy parin ang kanilang traffic management at pinaigting na Anti-carnapping operation.

Ang ating advice sa mga motorista para maging maayos ang byahe sa kalsada ay panatilihing laging maayos ang ating mga sasakyan.