ISANG PAMILYA, PINAGKALOOBAN NG TULONG PINANSIYAL NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Magkahalong pangamba para sa kaligtasan at pinansyal na mapagkukunan ang bumagabag kay Isbael Monterozo, 42 anyos ng bayan ng Bongabon, nang sabay na mapasok sa ospital ang kanyang mga magulang.
Ang kanyang ama ay naconfine sa PJG Hospital, Cabanatuan dahil sa stroke, samantalang sa Bongabon District Hospital naman ang kanyang ina dahil din sa mild stroke at sa lumalaki nitong puso.
Dahil dito, hindi naman nag-atubili ang pamahalaang panlalawigan at pamahalaang lokal ng Bongabon na bigyan ng financial aid through medical and burial assistance ang pamilya Monterozo.
Ani Ms. Isabel Monterozo, nagsimula sa kanya ang pagtulong ni Gov. Oyie Matias Umali at Mayor Ric Padilla nang siya ay magkasakit sa tiyan at kinailangang magsagawa sa kanya ng colonoscopy kung saan pinaghatian ni Gov. Umali at Mayor Padilla ang bayarin para sa procedure.
Ang colonoscopy procedure ay isinisagawa sa pamamagitan ng pagpapadaan ng colonoscope o tubo sa butas ng puwit ng isang tao hanggang sa dulong bahagi ng colon upang makita at mapag-aralan ang buong large intestine at colon nito.
Dagdag pa ni Ms. Isabel Monterozo, malaking bagay na sila ay nabenipisyuhan ng cash assistance dahil dito nila kinuha ang perang pambili ng maintenance ng kanyang ina.
Panawagan ni Isabel na sana ay magtuluy-tuloy ang financial assistance ng pamahalaang lokal at panlalawigan upang masuportahan ang tuluy- tuloy na pagpapagamot sa kanyang ina.
Nais ring ipabatid ni Ms. Monterezo ang kanyang pasasalamat sa Provincial at Local Government dahil sa tulong na ibinigay sa kanya at sa kanyang ama at ina.