PANANAMPALATAYA SA PANGINOON, NAGING DAAN UPANG MAITATAG ANG PARAISO CHILDREN HOUSE OF REFUGE SA SAN JOSE CITY
Dahil sa vision nina Pastor Rodrigo at Victoria Almosara ay iniwan nila ang maalwang buhay sa Hawaii para magtayo ng bahay ampunan na ayon sa mag-asawa ay kanilang naging misyon sa Panginoon kahit sila ay kapwa na retired na guro.
Binalikan ng programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kwento na naging pundasyon upang maitayo ang Paraiso Children House of Refuge sa San Jose City.
Kwento nina Pastor Rodrigo kay Dra. Kit at guest co-host Joy Senados una nilang binalak na sampung bata ang kakayaning alagaan ng kanilang orphanage, ngunit dahil sa vision ng isang myembro ng kanilang church sa Hawaii ay napalaki ito na kaya na ngayong umaruga ng limampung bata.
Kwento ni sister Victoria, bukod sa pagbibigay ng bahay, edukasyon, sapat na pagkain sa mga bata, kasama rin dito ang pagbibigay ng pagkain ng kanilang kaluluwa, at ito ay ang salita ng Diyos.
Dahil sa selebrasyon ng kaarawan ni Former Governor Cherry Umali ay nagbigay din ng blessing ang programa para sa mga batang kasalukuyang naninirahan sa Paraiso Children House of Refuge.