SENSITIBONG BALITA:
HALOS PHP1.4-MILYONG HALAGA NG SHABU, NASAMSAM NG KAPULISAN SA CENTRAL LUZON
Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 and 11 Art II of RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong indibidwal kung saan nakuha ng mga awtoridad ang Php1,360,000.00 na halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Dinalupihan, Bataan on April 13, 2023.
Inilunsad ng Dinalupihan Police ang operation sa Brgy. New San Jose, Dinalupihan, Bataan na nagresulta sa pagka-aresto kina Carlo UNATING, John Christ CABATO and Walter ISIP.
Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang tatlong small heat-sealed sachets ng pinagsususpetsahang shabu; pouch na naglalaman ng dalawang knot-tied plastics ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng more or less 200 grams na tinatayang may halagang halos Phph 1.4-M; isang Php 1,000 peso bill marked money; Php500 bill; two (2) pieces Php100 bill; at isang Samsung cellphone.
Pinuri naman ni Police Region 3 Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR ang matagumpay na operasyon ng mga alagad ng batas sa Dinalupihan na alinsunod sa kampanya laban sa illegal na droga at BIDA program ng DILG.