TROPA NG MGA FILIPINO, AMERIKANO, AUSTRALYANONG SUNDALO, SAMA-SAMANG NAGSASANAY SA BALIKATAN 2023
Lumahok ang mga Filipinong sundalo sa mga Amerikanong sundalo sa live-fire drills na ginanap sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecijakung saan ginamit ang anti-tank weapons system sa ikatlong araw ng Balikatan 2023 Joint Exercises na tatagal hanggang April 28, 2023.
Ayon kay Philippine Army commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ang live-fire drill noong Huwebes April 13, 2023 sa lalawigan ng Nueva Ecija ay alinsunod sa misyon ng kanyang tropa na protektahan ang lupa at tubig na pag-aari ng bansa.
Pero hindi nito nilinaw kung ang pagsasanay ng kanilang pwersa ay paghahanda para sa isang potensyal na sigalot laban sa China.
Paliwanag ni Brawner sa media, ang mga pagsasanay na ginagawa umano nila ay naaayon sa utos ni Pangulong FerdinandMarcos Jr., para ipagtanggol ang ating teritoryo.
Kaya malamang aniya ay makakuha ng Javelin missiles ang Pilipinas bilang parte ng military’s modernization program.
Ang mga tropa mula sa dalawang bansa ay nagsagawa ng drill sa Fort Magsaysay bilang bahagi ng pinakamalaking pagsasanay sa Balikatan, kung saan pinagsama-sama ang halos 18,000 na tropa.
12,000 ang mga Amerikano, 5,000 ang mga Pilipino at humigit-kumulang 100 ang mga Australiano.
Ang mga drills ay nagbubukas ng laban sa madalas na panggigipit ng mga Chinese sa mga barko ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan ng South China Sea at mga tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China sa Taiwan.
Sinabi naman ni Gen. Charles Flynn, commander ng U.S. Army Pacific, na ang joint drills ay pagpapahayag ng pagsisikap na paganahin at tulungan ang kasundaluhan ng Pilipinas na protektahan ang pambansang soberanya at teritoryo.