“KABUTEHAN” NG KAPITOLYO PARA SA MGA NOVO ECIJANO, PATULOY
Pangunahing makikinabang ang 1,500 na mahihirap na mga Novo Ecijano na walang kakayahang maghanap-buhay partikular na ang mga may kapansanan o PWD sa patuloy na pagpapatupad ng Kabutehan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali.
Ito ay matapos na aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Doc Anthony Umali ang kahilingan ni Gov Oyie para sa pondo ng mga livelihood program na nasimulan noong panahon ng pandemya kabilang ang Gulayan sa Bakuran, Microlayering farm, at ang Kabutehan o mushroom production.
Inaasahang aabot naman may kabuuang 2500 na mahihirap na pamilya ang mabibiyaan ng mga nabanggit na livelihood program, kasama ang mga dating OFW na nawalan ng trabaho, mga senior citizen, at ang priyoridad ay ang mga PWD.
Kabilang sa Person with Disability si Aling Maricel Villas ng barangay Sta.Cruz, San Antonio Nueva Ecija na biyayaan ng 100 fruit bags ng mushroom.
Kwento niya, hindi sapat ang kanyang kinikita bilang plantsadora o pamamalantsa sa kanilang mga kapitbahay, at ang pamamasada ng kanyang asawa ng tricycle na kanilang ikinabubuhay.
Kaya apakalaking tulong aniya itong kabute sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan dahil halos araw-araw naman silang nakakapagbebenta nito na pambili ng bigas at panganagailangan sa pag-aaral ng kanilang anak gaya ng pambili ng gamit sa school.
Kumikita umano sila ng mahigit sa Php.800 bawat linggo.
Maliban sa kinikita ay nagiging paborito narin nila itong ulam, sa kanilang hapag.
Dahil ang mushroom ay masarap na alternatibo sa karne ng manok o baboy, pwede itong iluto bilang mushroom sisig, mushroom burger, crispy mushroom, ginataang mushroom o tinatawag na bicol express, at marami pang ibat ibang pwedeng putahe.
Malaking pasasalamat ang kanyang ipinaabot kay Gov. Oyie dahil sa malaking tulong nito sa kanilang pamilya.