BUHAY LINGKOD BAYAN AT LINGKOD NG DIYOS NINA MAYOR ROBERTO AGDIPA AT VICE MAYOR MONALIZA AGDIPA, TAMPOK SA COUNT YOUR BLESSINGS
Binalikan ni Mayor Roberto Agdipa at Vice Mayor Monaliza Agdipa ang kanilang naging mga karanasan bilang isang kristiyano at lingkod bayan sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman na ginanap sa Farm Ridge by Desmond Farm.
Sa panayam ni Dra Kit at Guest co-host na si SF dela Peña sinabi ni Mayor Roberto na ang kanyang pag pasok sa mundo ng pulitika ay ipinagdasal rin niya sa Panginoon.
Ang senyales na ito ay ng makakita siya ng bahaghari na may malalim din na kahulugan sa banal na Bibliya.
Kwento naman ni Vice Mayor Monaliza, bukod sa mga pagsubok sa buhay pulitika ay dumaan din sila sa mga pagsubok katulad ng naranasang aneurysm ni Mayor Roberto na himala niyang nalagpasan.
Bukod dito ay nagkaroon naman ng slipped disk si Vice Mayor Monaliza ng siya ay madulas noong siya ay buntis pa na nagpahirap sa kanyang pagdadalang tao.
Kwento ng mag asawa, kanilang hiningan ng tulong ang Diyos sa lahat ng kanilang pinagdaraanan sa kanilang buhay.
Bagaman maraming pinagdaraanan sa buhay ay nananatili ang kanilang pananalig sa Panginoon at ang kanilang pag hingi ng gabay upang mapamahalaan ang Bayan ng Pantabangan at ang kanilang sambahayan.