HALOS TATLONG DAANG KOMPANYA, MAG-AALOK NG TRABAHO SA LABOR DAY O ARAW NG MGA MANGGAGAWA
Aabot sa daan-daang kompanya sa loob at labas ng bansa ang mag-aalok ng oportunidad sa May 1, 2023, kasabay ng paggunita ng Labor Day para sa mga job seeker sa muling pagbabalik ng Grand Job Fair pagkatapos ng tatlong taong quarantine sanhi ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Chao Chua, SM Cabanatuan Assistant Mall Manager, ang on-site job fair na ito ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Local Government Unit (LGU) ng Cabanatuan City, Nueva Ecija Provincial Public Employment Service Office (PESO), at SM City Cabanatuan.
Layunin umano nito na bigyan ng magandang buhay at hanapbuhay ang bawat komunidad.
Pagdating sa local employment, kabilang sa local establishments sa lalawigan na magbibigay ng trabaho ang Wheeltek Motors,Toyota Nueva Ecija, Philippine Seven Corp., BHF Company, Aski Group of Companies, Savemore Supermarket, SM Store Cabanatuan City at Mega Center, WalterMart, PHINMA Araullo, Good Samaritan Colleges, Iqor Phils, at marami pang iba.
Habang kasama naman sa overseas employment agencies ang 1st Northern International Placement Inc., Star World International Manpower & Placement Agency, Inc., J-M-H International Manpower Agency Co., at Sanko Employment Solutions Incorporated.
At para sa mga aplikante ng trabaho, alas-otso ng umaga magsisimula ang programa sa main mall atrium ng SM City Cabanatuan.
Huwag nyong kalimutang dalhin ang susumusunod na requirements: Resume o Curriculum Vitae, Birth Certificate, NBI, Police Clearance, at Two (2) Valid Government IDs.
Dagdag pa ni Chua na mas mainam para sa job seekers na magtungo sa venue nang personal dahil magkakaroon aniya ng on-the-spot hiring sa ibang mga kompanya.