ESTUDYANTE MULA SA CAMARINES SUR, PASOK SA HARVARD UNIVERSITY

Umani ng humigit kumulang 30k reacts ang post ni Cedric Cortez Jr. kung saan ibinahagi niya na siya ay nakapasok sa Harvard University sa United States, isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo.

Si Cortez ay isang Senior High School Student na nag-aaral sa Ateneo De Naga University sa Camarines Sur.

Ayon sa kanyang post, 14 years old pa lamang siya ay pangarap na niyang makapasok sa prestihiyosong mga unibersidad sa buong mundo kaya naman hindi rin makapaniwala si Cortez na ngayon ay abot kamay na niya ito.

Ipinakita rin ni Cortez sa kanyang post ang ginawa niyang supplementary essay na isa sa mga dahilan kung bakit siya natanggap sa Harvard.

Hindi naman nakalimutang magpasalamat ni Cortez sa kanyang mga magulang, mga guro at mga kaibigan na walang sawang sumusuporta sa kanya.