SENSITIBONG BALITA:
APAT NA NAGLALARO NG MAHJONG, DINAKIP SA SAN JOSE CITY
Sinalakay ng mga operatiba ng San Jose City police ang isang ilegal na pasugalan kung saan naaresto ang apat na naglalaro ng ilegal na mahjong noong April 22, 2023.
Ayon kay city police chief Lt. Col. Marlon M. Cudal, ang mga suspek ay isang 42 years old na hair stylist, isang singkwentay nueve-anyos na lalaki, at dalawang maybahay, na pawang naninirahan sa Bgy. Abar 1st, ng nasabing lungsod.
Nakumpiska mula sa raid ang bet money na nagkakahalaga ng P1,500, isang mahjong set at dalawang dice, isang mesang kahoy, at apat na monobloc chairs.
Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287