PERIODIC MEDICAL EXAM REQUIRMENTS NG DRIVERS LICENSE,INALIS NA NG LTO

Inalis na ng Land transportation Office o LTO ang Periodic Medical Exam RequirmentsNg mga Drivers License holder,Ito ang pana-panahong medikal na pagsusulit para sa lisensya sa pagmamaneho,

Ayon kay LTO chief Atty.Jose Arturo Tugade.ito ay upang mabawasan ang pasanin ng mga motorista at dahil wala namang datos na maiiwasan ang aksidente sa kalsada.

Sa ilalim ng dating rules ng LTO ,dapat kailangan kumuha ng medical examination ang mga may hawak ng lisensiya na may 5 years validity pagsapit ng kanilang ika 3 kaarawan mula sa isyu ng kanilang lesensiya ,ang mga may hawak naman ng 10 years validIty ay kailangan nilang mag medical exam pagsapit ng ika 4 at ika 7 taon ng kanilang kaarawan o validity ng kanilang lisensiya

Iniutos ni din LTO chief Jay Art Tugade ang pag-amyenda sa LTO Memorandum Circular 2021-2285 o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 10930.
Hindi na kailangang sumailalim sa prescribed periodic medical examination (PME) ang mga may hawak ng driver’s license na may limang taon o 10 taong validity, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Nakasaad sa memorandum na ang mga may limang taon o 10 taong valid na driver’s license ay kailangan pa ring sumailalim sa PME bukod sa regular na medical examination bilang requirement sa pag-a-apply ng bagong driver’s license o sa pag-renew na lamang nito.

Sinabi ni Tugade na itinuring ng LTO na makatuwirang i-waive ang PME requirement batay sa iba’t ibang pag-aaral, ayon sa datos nito at konsultasyon na isinagawa ng ahensya
“Walang empirical data na nagsasabi na ang pana-panahong medikal na pagsusuri ay maaaring maiwasan ang mga aksidente sa kalsada sabi ni Tugade

Aniya, ipinakita rin sa datos na hindi kasama sa mga sanhi ng pag-crash sa kalsada ang kabiguang sumailalim sa kinakailangang PME.

Aniya, sa ilalim ng amended circular, ang mandatory medical examination ay magiging requirement na lamang bago mag-apply, at sa panahon ng renewal, ng driver’s license.
“Para sa mga lisensyado na bibigyan ng five-year validity driver’s license at 10-year validity driver’s license, ang medikal na pagsusuri ay kakailanganin lamang 60 araw bago o sa tinukoy na petsa ng pag-renew,” dagdag ni lordy Tugade.

Ayon pa kay Tugade, ang mga Filipino driver na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa ay kinakailangang sumailalim sa medical examination sa loob ng 30 araw pagdating sa Pilipinas bago sila payagang magmaneho sa bansa .

Samantala nag abiso ang land transportation office na hanggang sa kataposan ng buwan ng abril na lamang ang pag isyu nila ng plastic ID ng drivers licence at pansamantalang sa papel na muna nila ilalagay ang temporary drivers licence dahil sa kawalan ng supplier ng plastic id