THE RG COMMUNITY, NAGSAGAWA NG LIBRENG TRAINING PARA HANDA SA THE BIG ONE
Isinagawa ng RG (Ride Guardian ) Community ang kanilang libreng training sa mga motorcycle riders para sa road and safety and skills enhancement na ginanap sa Sta. Barbara Pangasinan noong April 23, 2023 para sa kanilang Batch 62 Maparaan.
Ayon sa kanilang BOD Director General na si RG 05 Arn Vince, layunin ng RG Community sa nasabing training na matutunan ang motorcycle enhancement skills program, spread kindness sa buong komunidad, magiging responsible sa pagmamaneho, pagtulong sa kapwa riders sa daan, at higit sa lahat sa paghahanda sa natural disaster gaya ng lindol, bagyo, pagbaha, lalo na ang pinangangambahang The Big One.
Dahil motorsiklo lamang ang may.kakayahan na makaraan sa mga kalsadang ma traffic o sa mga may land slide.
Dagdag pa ni Arn Vince, ang RG Ride Guardian ay binubuo ng iba’t ibang sub group.
Ayon din kay RG Joane Cruz North Province Coordinator, sa ganitong mga training naihahanda ang mga riders kung papaano magagamit ang kanilang mga motorsiklo pagdating sa Emergency Disaster lalo na ang The Big One.
Kaya para sa aspirant na isang lady riders mula pa Angeles City Pampanga, mahalaga ang ganitong mga training para ma enhance ang kanilang driving skills.
Ang training ay sinimulan sa isang Lecture na kung saan itinuro ang defensive driving, ang tamang paggamit ng preno, at ang paggamit ng manibela, lalo na sa mga blind spot at pagdating ng tanghali hangang hapon ay ang actual driving naman ng mga aspirant.
Dito nakita kung natutunan nila ang mga itinuro at kung naipasa nila ang training.
Pagkatapos ng training ay nagkaroon naman ng graduation rites at pasasalamat ng mga aspirant sa kanilang mga RG trainers.