PROGRAMANG TUPAD NG DOLE, PROVINCIAL GOVERNMENT, PATULOY ANG PAGBIBIGAY NG TRABAHO SA MGA NOVO ECIJANO

Tuluy-tuloy sa pagbibigay ng trabaho sa mga Novo Ecijano ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng programang TUPAD.

Ayon kay Maria Luisa Pangilinan, manager ng Provincial Employment Service Office (PESO), nasa 3,600 na Novo Ecijano mula sa mga bayan ng Laur, Gabaldon, General Natividad, Santa Rosa, Bongabon at lungsod ng Cabanatuan na walang trabaho o naapektuhan ang trabaho ang naging benepisyaryo ng naturang emergency employment program nitong mga buwan ng Marso at Abril.

Sa loob ng sampung araw ay naglinis sa kani-kanilang mga bayan ang mga benepisyaryo na may katumbas na sweldong Php 4,600.00, na pumapatak ng Php 460.00 bawat araw.

Dagdag pa ni Pangilinan, patuloy sa paghahanap ng mga programa ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali upang matulungan ang mga mamamayan ng Nueva Ecija.