GRAND JOB FAIR 2023, NAGLAAN NG TRABAHO SA MGA NOVO ECIJANO
Dinaluhan ng iba’t ibang companies and job agencies at mga aplikante ang 2023 Job Fair na ginanap sa SM City Cabanatuan nitong nakaraang Labor Day na pinangunahan ng Provincial Government of Nueva sa pamumuno ni Governor Aurelio “Oyie” Umali.
Mayroong kabuuang 1,389 job vacancies ang inialok sa mga manggagawa upang makapagbigay ng trabaho sa mga Novo Ecijano sa local man o overseas.
Ayon kay Provincial PESO Manager Maria Luisa Pangilinan, walang dapat ikabahala ang mga job seekers dahil lahat ng companies at agencies ay legit at validated, sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Migrant Workers (DMW).
Bukod sa provincial government, DOLE at DMW, nakibahagi rin sa job fair ang Department of Trade and Industries (DTI), TESDA, SSS, at Philhealth.
Pasasalamat ang hatid ng mga job seekers at employees sa oportunidad na ito na ibinigay sa kanila.
Magandang balita ni Vice Governor Doc Anthony Umali, marami pang programa ang inihanda ng kapitolyo na makakatulong sa mga mamamayan ng Nueva Ecija.