LARAWAN NG MGA SIKAT NA PERSONALIDAD SA DIVISORIA, KINAALIWAN
Mistulang totoong kuha ang mga larawang ibinahagi ng isang netizen kung saan makikita ang iba’t ibang sikat na personalidad na nag ala vendor sa Divisoria.
Ilan sa mga kilalang icons na kinaaliwan ng mga netizens ang pagbebenta ng gulay at prutas ni Mark Zuckerberg na tinawag pang Mark Zucchini, ang pag-upo sa bangketa ng North Korea Supreme Leader Kim Jong Un, Lebron James na tinawag namang Lebron Juice, Stephen Curry kasama ang curry powder, sando pose kausap ang isang ale ni former US President Donald Trump, paggawa ng kape ng dati ring US President Barack Obama na binansagan namang Barako Obama, at marami pang iba.
Ang mga litratong ito ay bunga lamang ng kasanayan ni Jon Oraña sa Artificial Intelligence o AI Software gamit ang ChatGPT at MidJourney tools.
Maliban sa sayang naibigay ng uploader, labis din siyang hinangaan dahil sa angking galing at husay sa paggamit ng advanced technology.
Ngayon, nasa libo-libong reactions at shares na ang nasabing post, at paalala rin ng eksperto na nawa’y magamit ang AI sa tama at wastong paraan.