SEA GAMES 2023, GILAS PILIPINAS, SINABOTAHE NG HOST COUNTRY CAMBODIA SA PRACTICE

Bukod sa mga nagsulpotang mga import ng mga southeast countries, may mabigat na hinaharap ang team Gilas Pilipinas sa laban pati na rin sa labas ng kompetisyon ng SEA games 2023.

Sa edisyon ng SEA games 2023 redemption ang tema ng Gilas Pilipinas matapos na mag silver medal noong nakaraang SEA games ng talunin ng Indonesia sa finals.

Sa pagbawi ng korona ng Pilipinas kailangan umano ng mahabang pasensya dahil sa treatment at kondisyon ng host country na Cambodia, una na ang difficulties sa kanilang transportasyon na makapagbiyahe along the city sa kanilang practice at laro lalo na sa ibinigay sa kanilang transport vehicle kaya napilitan na lang umano sila na mag-rent ng kanilang sariling sasakyan para makarating sa venue ng laro.

Pagdating naman sa kanilang schedule ng practice na 10: 45 am pero 11am na hindi pa rin sila pinapapasok sa basketball court at wala namang sinasabing dahilan sa kanila kaya delayed din ang kanilang practice, pagpasok naman sa venue napansin nila na substandard ang kanilang gagamiting court na may tendency ng injury kaya minabuti na lamang nila ang practice shooting para maiwasan ang magkaroon pa ng injuries.

Sa 1st game ng gilas napapansin ang game schedule ng 1pm na kung saan kasagsagan ng sobrang init sa tanghali at wala pa daw air conditioning ang gym na paggaganapan ng laro.

Kaya isa pa sa concern nila na malaking epekto ito sa kanilang laro at kung bakit ganun ang kanilang schedule.

Isa ito sa mga dirty tactics ng Cambodia para maka-gain ng advantage sa tournament.

Inaasahan na umano ito ni coach Chot Reyes kaya kailangan talaga ng mahabang pasensya kaya sila na mismo umano ang mag-aajust.

Ang main concern nila ay ang main game competition na makakaharap kaagad nila ang host country na Cambodia na isa rin sa napapansin na kapag sila ang may laro 6pm ang kanilang schedule para hindi mainit.

Dagdag pa sa mga dirty tactics ng Cambodia ang pagtago ng kanilang mga naturalized players na maglalaro sa 3 x 3 at maglalaro din sa 5 on 5 laban sa gilas until the day ng competition.

Kaya ayon kay coach wala na silang magagawa sa rules dahil sila naman ang masusunod kaya mas pagtutuunan na lamang daw nila ng pansin ang kanilang laro.