PHP1.4 MILYONG HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG KAPULISAN SA 4 NA TULAK SA CENTRAL LUZON
Arestado ang apat na suspek sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa ng kapulisan noong May 2 and May 3, 2023.
Kinilala ang suspek na hinuli sa operation sa Brgy Lourdes North West, Angeles City na si Rommel PARAS y Dizon alias PAM, Regional high-Value Individual, male, 62 years old, and residente ng Brgy Malino, City of San Fernando, Pampanga.
Nakuha umano kay Pam ang tatlong piraso ng small to medium size heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu na tumitimbang ng more or less 55 grams with an estimated street value of Php374,000.00.
Samantala ang tatlong suspek na kinilalang sina Aiman OMBAR y Ambi alyas Aiman, Mohammad PANGCATAN y Rico aka Rico, at Hamza Hadji ALI y Maut alias Hamza, ay nakalista bilang mga High-Value Individuals ay inaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Holy Spirit, Sta. Rita, Olongapo City.
Nasamsam umano sa kanilang tatlo ang apat na piraso ng small to large pieces of heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 152.2 grams at nagkakahalaga ng Php1,034,960.00.
Umabot sa pitong plastic sachets ng shabu ang total ng lahat ng ebidensyang nakumpiska ng mga pulis sa apat na suspek na tumitimbang ng 207.2 grams na may street value na Php 1,408,960.00.