MGA LABI NI GUIMBA MAYOR DIZON, NA-CREMATE NA; VICE MAYOR GALAPON, PUMALIT SA PWESTO

Na-cremate na ang mga labi ni Guimba Mayor Jose ‘Boyong Boyong’ R. Dizon noong May 8, 2023 sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Tarlac City.

Ito ay pansamantala munang iniuwi sa kanilang bahay sa Brgy. Saranay District upang makapiling pa ng kanyang pamilya.

Sa edad na 78 ay iniwan ni Dizon noong May 3 ng gabi ang kanyang minamahal na bayan dahil sa malubhang sakit.

Si Mayor Boyong Boyong ay nagsilbi bilang punongbayan ng Guimba taong 1988 hanggang 1992 at muling nahalal noong 2016 hanggang sa taong ito na siyang ikatlo at huling termino sa pagka-alkalde.

Naging Pangulo din ito ng League of Municipalities of the Philippines Nueva Ecija Chapter taong 2019 hanggang 2022.

Pumalit sa pwesto ni Dizon si Vice Mayor Jesulito Galapon na opisyal nang nanumpa sa katungkulan kina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Anthony Umali noong Martes, May 9 sa Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Umupo naman bilang vice mayor si 1st Councilor Diane Beltran na nag-oath sa harap ni ABC Remedios Agapito.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa sa ang pormal na pag-anunsiyo kung sino sa mga lumabang konsehal ang maglilingkod sa Guimba.