BATANG TUWANG-TUWANG SA ADOBO NA AKALA NIYA’Y GALING SA JOLIBEE, VIRAL

Viral sa facebook ang post ni Maricris Soriano Hungriano kung saan ibinahagi niya ang mga litrato ng kanyang pamangkin na si John Cedrick na tuwang-tuwa sa pag-aakalang galing talaga sa Jollibee ang kanyang inihandang pagkain.

Kwento ni Maricris, nung araw daw na iyon ay ayaw kumain ni Cedrick dahil daw masama ang pakiramdam nito. Pinipilit niya raw pakainin ang pamangkin upang makainom ng gamot ngunit ayaw pa rin kaya siya nag-isip ng paraan upang mapakain ito.

Buti na lang ay nakita ni Maricris ang kahon na pinagkainan nila galing sa isang sikat na fastfood chain na Jollibee kaya naman dali-dali niyang hinugasan ito at doon inilagay ang pagkain.

Dagdag pa niya, para mas makatotohanan daw ay binuo niya pa ang kanin saka iniligay sa kahon kasama ang ulam na adobong sitaw na may sahog na longganisa.

Nang makita raw ni John Cedrick na hawak niya ang kahon ay tuwang-tuwa raw at pumapalakpak pa. “Naubos niya naman po”, salaysay pa ni Maricris.

“Darating ang panahon ay malalaman mo rin na walang adobong sitaw sa Jollibee”, caption ni Maricris.