EDUCATIONAL ASSISTANCE NG KAPITOLYO, INIHATID SA BAYAN NG QUEZON
Pasasalamat ang katagang ipinaaabot ng mga estudyanteng iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali sa natanggap nilang education financial assistance.
Ayon sa Public Affairs and Monitoring Office, tinatayang nasa halos anim na libong mga scholars ng kapitolyo ang nabibiyayaan ng stipend kada taon sa buong lalawigan.
Habang dalawang beses naman umano sa loob ng isang taon nakakatanggap ng halagang P2,500.00 para 1st at 2nd semesters ang mga estudyante.
Kaya para sa isang magulang gaya ni Julieta Ariola na iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak para makapagtapos ng kolehiyo sa pamamagitan ng pagtitinda ay napakalaking tulong nito sa kanila lalo na at graduating na ang kanilang anak sa kursong Bachelor of Science in Bussiness Administration na kanilang ipinagpapasalamat kay Gov.Oyie at Vice Gov.Doc Anthony.
Labis din ang pasasalamat ni Dan Adriano sa pamahalaang panlalawigan dahil napakalaking tulong umano ng allowance na natatanggap ng kanyang anak, lalo na’t napakahirap umano ng hanapbuhay nito na pamamasada ng tricycle
At para naman kay Aira Dinio na kasalukuyang 3rd year college sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Araullo University napaka laking tulong ang natatangap na nilang allowance mula sa kapitolyo,lalo na at may kamahalan ang kanilang tuition fee at gastusin sa school.
Dahil hindi naman aniya sapat ang kinikita ng kanyang tatay na isang magsasaka na umaabot kapag minsan na kailangan nilang mangutang para makabayad ng kaniyang tuition.
Maliban sa education financial assistance ay may libreng dormitoryo rin para sa mga estudyante na malayo sa kanilang eskwelahan.