PAGHINGI NG SENYALES SA PANGINOON, NAGING DAAN UPANG MAGING ISANG DOKTOR

Dahil sa pagnanais na tumulong sa kapwa, hindi lamang sa kanilang mga pisikal na karamdaman kundi pati ang kanilang ispiritual na buhay, ito ang nag tulak kay Dr. Andrew Soro na ituloy ang kursong medisina at ngayon ay isa ng ganap na doktor,

Ito ang kanyang ibinahagi sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman na ginanap sa Luntiang Oasis Farm and Resort sa Bayan ng Guimba, Nueva Ecija.

Sa panayam ni Dra Kit at Guest co-host na si Joy Senados sinabi ni Dr. Andrew na humingi siya ng senyales sa Panginoon kung anong landas ang tatahakin sa kanyang pag aaral. Dahil dito ay kanyang napag desisyunan na ituloy ang medisina upang maging ganap na doktor.

At nito ngang 2023 Physician licensure examination ay napabilang si Dr. Andrew sa listahan ng mga bagong doktor sa bansa.

Bago matapos ang programa ay sinabi ni Dr. Andrew ang mga blessings sa kanyang buhay na kanyang ipinagpapasalamat sa Panginoon.