LAKERS VS DENVER NUGGETS SA NBA WESTERN CONFERENCE FINALS

Matapos na talunin ng Lakers sa NBA 2023 playoffs serries ang defending champion na Golden State Warriors ni Stephen Curry, total dominance ang ginawa ni Lebron James sa laro na nagtapos sa score na 122—101 na nagwakas sa 8 years rival ng dalawang star players.

Umusad ang Los Angeles sa ikatlong round sa pamamagitan ng pagkatalo sa Golden State Warriors, isang koponan na hindi natalo sa isang playoff series sa labas ng NBA Finals sa loob ng isang dekada.

Makakalaban ng Lakers ang Nuggets sa Western Conference finals, na gaganapin sa homecourt ng Denver ang game 1and 2, ito’y pagkaraan namang padapin ng Denver ang Phoenix Sun sa kanilang playoff series.

Magtatapat naman sa Eastern Conference finals ang Boston Celtics at ang Miami Heat, matapos dominahin ng Celtics ang Sixers sa Game 7 para umabante sa nasabing laro.

Tinalo naman ng Miami ang New York Knicks sa kanilang playoffs.

Sino sino kayang mga teams ang maglalaban sa NBA Finals ngayong 2023?

Samantala sa ating Team Gilas Pilipinas sa Sea Games 2023 na ginaganap ngayon sa host country Cambodia, muling makakaharap sa finals ng Pilipinas ang Cambodia kung saan tinalo ang Pilipinas ng Cambodia sa knilng unang laban kung saan ay mayroon itong 6 naturalized players samantalang tanging nag-iisang naturalized player ng Gilas si Justine Brownlee.

Pinatunayan ni Brownlee na kaya niyang buhatin ang Gilas at ipakita ang tunay na puso matapos na pangunahan ang Gilas na talunin ang defending champion na Indonesia na mayroon ding 3 naturalized players.