DAGDAG SA PRESYO NG DIESEL AT GASOLINA, IPINATUPAD NG MGA KOMPANYA NG LANGIS
Bad news para sa mga motorista dahil pagkatapos ng ikatlong sunod na Linggo, na rollback nagpatupad ulit kahapon ng umaga ang mga kompanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo
Tumaas ng Php 1.40 bawat litro sa diesel Php 0.35 naman sa Gasolina at Php 1.20 naman sa Kerosene
Biglang bumagsak ang presyo ng petrolyo sa world market noong Biyernes pero hindi ito naging sapat para burahin ang itinaas mula Lunes hanggang Huwebes ng nakaraang linggo.
Sa pagtataya ng mga eksperto, maaaring bumagsak ang presyo sa world market ngayong linggo dahil sa economic issues na kinakaharap ng Amerika.
Lumakas ang pangamba sa global recession at nanganganib pang mag-default ang Amerika sa kanilang utang, na lalong magpapahina sa konsumo ng langis, ayon sa ilang taga-industriya.
Sa nakalipas na 3 linggo, umabot din sa P5.10 kada litro ang kabuuang rollback sa presyo ng gasolina, P4.70 sa diesel, at P4.15 sa kerosene.