SUMMER TRAINING SA PMTC, ISINASAGAWA NG MAHIGIT 480 ENROLLEES

Kasalukuyang idinaraos ngayon ng Provincial Manpower Training Center (PMTC) ang kanilang summer training na nagsimula noong April 3 at inaasahang matatapos sa May 30.

Ang PMTC ay isang programa na handog ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni governor Aurelio “Oyie” Umali, para sa mga out of school youth (OSY) na gustong makapag-aral ngunit walang kakayahang pinansyal.

Bukas ang PMTC sa lahat ng mamamayan ng Nueva Ecija, lalo na sa mga kabataan na nais mag-aral ng kursong bokasyonal na galing sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ayon sa Administrative Officer ng PMTC na si Ampy Mariano, sa buong lalawigan ng Nueva Ecija ay may limang PMTC branches kabilang na ang PMTC Cabanatuan (Main), PMTC San Jose, PMTC Bongabon, PMTC Gapan at PMTC Guimba kung saan may kabuuang 480 mahigit na enrollees.

Bawat branch ng PMTC ay nag-aalok ng mga kursong:

  • Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II
  • Hair Dressing NC II
  • Hilot (Wellness Massage)
  • Beauty Care (Nail Care) Services NC II
  • Automotive Electrical Servicing
  • Computer Literacy Course
  • Dress Making at iba pa

Pagtapos ng halos dalawang buwang training, kailangang kumuha ng National Certificate II assessment ng mga trainees na siyang kakailanganin nila upang makapasok sa trabaho dito sa Pilipinas o maging sa ibang bansa.

Sa bawat pagtatapos ng training, pumupunta ang mga estudyante ng PMTC sa bayan na mapipili ng punong lalawigan upang maghandog ng libreng serbsiyo sa mga mamamayan tulad ng haircutting, manicure at pedicure, tune up ng motor at paggawa ng appliances. Bukod sa makakatulong ay mahahasa rin lalo ang kanilang skills sa kanilang piniling bokasyon.