CASHLESS PANLILIMOS NG MGA BATA SA SAMPALOC MANILA, TRENDING

Trending sa facebook ang ibinahaging larawan ni Angelo Gabriel Fuentebella sa isang group page kung saan makikitang may hawak na qr code ng gcash ang batang namamalimos sa Sampaloc, Manila.

Kwento ni Fuentebella, nagpapahinga lang sila ng kanyang kaibigan sa gilid ng kalsada nang may lumapit sa kanilang bata na nanghihingi ng barya.

Pagkasabi nilang wala silang barya ay bigla umanong naglabas ng qr code ng gcash ang bata kaya naman nagulat at natawa na lang sila.

Dagdag ni Fuentebella, hindi pa rin daw nila binigyan sa gcash ang mga bata dahil may duda sila na baka hindi rin naman sa mga bata mapunta ang pera na matatanggap ng mga ito.

Ayon pa sa kanya, hindi naman daw namimilit o nananakit ang mga namamalimos kapag hindi nabigyan.

Sari-saring komento ang iniwan ng mga netizens sa facebook post na ito kung saan may mga natuwa at meron din naman ang tila nabahala.