ROBERT BOLICK BYAHENG JAPAN, BATANG PIER NAGHAHANAP NG KAPALIT
Naghahanap ang NorthPort Batang Pier ,ng pamalit sa scoring machine na Robert Bolick ngayong nagdesisyon na ang 6-foot-1 guard na lumipat na din sa Japan B.League.
Inaasahang magbibigay ng mas malaking ambag sa opensa ng Batang Pier sina Roi Sumang, Arvin Tolentino, Prince Caperal at veterans Jeff Chan at Arwind Santos.
No. 3 pick ng NorthPort si Bolick mula San Beda noong 2018 at sa apat na taon sa Batang Pier, kung wala din lang injury ay siya ang pangunahing inaasahan sa scoring ng team.
Nitong Lunes ay inihayag ng Fukushima Firebonds na pumirma na sa kanila si Bolick ng 2 years contract at tumatagingting na 35 thousand dollars o Php 1.9 million ang sahod nito na di mas hamak na malaki kaysa sa offer sa kanya ng PBA
Madaragdagan na naman ang Pinoy imports na mula sa Philippine Basketball Association (PBA) na sasabak sa Japan B.League.
Sumama na rin sa lumulobong listahan si Robert Bolick na nagpasyang dalhin ang kanyang talento sa Japan.
Pormal nang natapos ang kontrata ng dating San Beda University standout na si Bolick sa NorthPort Batang Pier noong Abril.
Nakuha ni Bolick ang atensiyon ng Japan B.League teams dahil sa matikas na performance nito sa PBA.
Sa nakalipas na Governors’ Cup, nagtala si Bolick ng averages na 21.6 points, 5.4 rebounds at 6.14 assists.
Sa katunayan, isa ito sa mga kandidato sa Best Player of the Conference na napanalunan ni Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra.

