SIBUYAS, GULAY, PATULOY NA TUMATAAS ANG PRESYO SA BAGONG PALENGKE NG SANGITAN
Paunti-unti lamang naglalabas ng sibuyas sa mga storage na nakakaapekto sa presyo nito sa mga palengke, habang ang mga gulay na inaangkat galing sa ibang mga lalawigan ay kakaunti rin ang suplay sanhi ng pagkatuyot ng mga pananim dulot ng matinding init ng panahon.
Kapag hapon na at pauwi na ang mga tindera sa bagong palengke ng Sangitan ay ibinabagsak na nila ang halaga ng kanilang mga paninda gaya ng mga isda.