Animo’y may libing na magaganap sa itsura ng dekorasyon sa Garden of Remembrance Memorial Park sa Alaminos City, Pangasinan dahil may korona, kandilang gamit sa patay at may dalawang dinisenyuhang kabaong na may life size picture ng magkasintahan.

Ang tagpong ito ay hindi isang libing kundi ang pag-iisang dibdib ng magsing-irog na sina Engr, Ronald Versosa at Marelinda Caranay. Isang karwahe na may sakay na kabaong naman ang naging bridal car.

Sinabi ng groom na matagal nilang plinano ang ganitong kasal na sumisimbolo daw sa kanyang pagkatao, itim, madilim, na lahat ay may kinalaman sa banda na naging buhay na niya.

Tanggap naman daw siya ng kanyang asawa at suportado sa lahat ng kanyang mga gusto sa buhay. Marami man daw silang kamag-anak na negatibo ang tingin sa ganitong kasal ay sinuportahan pa rin nila ang kagustuhan ni Engr. Ronald bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal at respeto para sa kanya.

Ang memorial park na naging reception na din ay inayusan ng black motif at lahat din ng mga dumalo ay nakasuot ng kulay itim. #balitangunangsigaw #tv48station #nuevaecija #news