PANAGINIP AT PANALANGIN, NAGING DAAN UPANG MAGBALIK LOOB SA PANGINOON SI BROTHER GIDEON
Nag rebelde at nagbalik loob sa Panginoon, ito ang naging istorya ni John Gideon Bautista na ibinahagi sa Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.
Sa panayam ni Dra Kit at guest co-host SF dela Peña kanilang binalikan ang buhay ni Gideon na ayon sa kanya ay nagsimulang naging magulo dahil sa pagnanais na huwag maikumpara sa kanyang Lolo, tatay at kapatid na kapwa mga pastor.
Dahil sa kanyang pag backslide o pag alis sa kanilang church ay dito na niya natutunan ang sumubok ng iba’t ibang bagay katulad ng pag punta sa club at iba pa.
Pero ng minsan aniya na nagkasakit siya at napanaginipan ang kanyang namayapang ina at lola ay dito na siya nagbalik loob muli sa Panginoon
Ngayon ay parte na si Gideon ng isang samahan na tumutulong din sa mga kabataan at taong nangangailangan ng gabay upang huwag nilang wakasan ang kanilang sarili