SENSITIBONG BALITA

IMPORTED SHABU NA HIGIT P1-MILLION ANG HALAGA, DUMATING SA PORT OF CLARK; NAKUMPISKA SA 2 CLAIMANTS

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang claimants ng imported shabu na tinatayang tumitimbang ng 152.9 gramas at nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso sa isinagawang controlled delivery operation ng awtoridad sa Crystal Subdivision, Barangay Concepcion, Baliuag, Bulacan noong May 15, 2023.

Kinilala ang mga tumanggap ng diumano’y illegal na droga na sina:

  1. Vincent Francis R. Estrella, 32 years old, residente ng Aluna St.Villa Crystal Subdivision, Brgy. Concepcion, Baliuag, Bulacan; at
  2. Gilbert Gonzalez Guinit, trentay singko anyos, naninirahan sa Don Ambrosio Village, Sabang, Baliuag, Bulacan.

Inihayag ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na ang shipment na naglalaman ng shabu ay dumating sa Port of Clark noong May 10, 2023. Habang ang parcel ay nagmula umano sa New York, USA at idineklarang chocolates.

Ang nasabing operation ay sanib-pwersang inilunsad ng PDEA Central Luzon, Clark Interdiction Task Group, at Bureau of Customs-Port of Clark.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong violation of section 4 (importation of dangerous drugs) of Republic Act 9165.