PANGARAP NA BIRTHDAY CAKE NG ISANG INA PARA SA KANIYANG ANAK, NATUPAD

Wala nang mas tatamis pa para sa isang ina na makitang masaya ang kaniyang anak sa mismong kaarawan nito.

Hindi napigilang maiyak sa tuwa ng isang Grade 4 student na si Khasieca Montejo ng Southville IV Elementary School, Sta. Rosa City, Laguna, matapos siyang sorpresahin ng kaniyang guro at mga kaklase para sa kaniyang kaarawan.

Makikita sa mga larawan ang pag-awit ng guro at mga kaklase ni Khasieca ng “Happy Birthday” para sa kaniyang 11th birthday.

Nagsimula ang pa-surprise ni Teacher Regine Pearl Templonuevo sa kaniyang estudyante nang magpadala ng text message ang kaniyang inang si Mary Joy Montejo na sana ay kantahan ang kaniyang anak ng “Happy Birthday” dahil wala siyang pambili ng handa para sa bata.

Agad itong ibinahagi ni Teacher Regine sa kaniyang mga pinsan at sila ay nag-ambagan para sa cake ni Khasieca, na first time niyang naranasan.

Masaya ang ina ni Khasieca na sa ginawa niyang simpleng paraan para sa kaarawan ng anak ay nagdulot nang labis na saya ditto at thankful din siya sa good will na ginawa ng kaniyang guro.