MAHIGIT 50 MAGSASAKA SA LAUR N.E., NAKINABANG SA LIBRENG ROTABATOR NG KAPITOLYO

Ipinagpapasalamat ng mga magsasaka ng Brgy IV sa bayan ng Laur ang libreng pagpapagamit sa kanila ng Kapitolyo sa tatlong traktora o mas kilala sa tawag na Rotobator para sa pag-aararo ng kanilang mga bukid.

Tinatayang aabot sa mahigit 60 hektarya ang natatrabaho naturang gamit sa pagsasaka.

Sa pamamagitan ng samahan ng mga magsasaka sa naturang Barangay gumawa ng kahilingan sa Ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali upang mahiram nila ang nasabing gamit sa pagsasaka na kagad namang tinugunan at ipinadala ang 3 bagong Rotobator.

Ayon sa mga magsasaka napakalaking tulong nito sa kanila dahil kapag ibabayad pa nila sa labas umaabot sa mahigit Php 3500 ang upa bawat hektarya ang singil sa kanila.

Naging emotional naman si tatay Fernando Estabillo dahil halos buong buhay niya ay inilaan niya sa pagsasaka bilang barok o porsyentuhan lang.

Dahil sa kanyang katandaan at pagkakasakit nawalan na ito ng saka.

Kaya sinamantala niya ang pagkakataon na lumapit sa gobernador na mabigyan siya ng munting kabuhayan para sa kanyang pamilya.