SINGLE PARENTS NA EMPLEYADO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, TINATAMASA ANG MGA BENEPISYO
Bilang mga solo parents, doble kayod, dobleng sakripisyo at dobleng pagpupursigi ang kailangan upang maitaguyod nang mag-isa ang mga anak.
Sa pinaka huling datos ng Department of Health at University of the Philippines-National Institute of Health, umabot na sa 15 million ang single parents sa buong Pilipinas kung saan siyam sa sampu sa mga ito ay kababaihan.
Dahil dito, patuloy ang pagpapakita ng suporta ng gobyerno sa mga single parents sa bansa at isa na rito ang pagpapatupad ng Republic Act No. 8972 o Solo Parents’ Welfare Act of 2000.
Lahat ng solo parents sa Pilipinas ay maaaring kumuha ng solo parent ID na siyang kakailanganin upang mapakinabangan ang mga benepisyo na handog ng gobyerno.
Ayon sa Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), napapakinabangan ng mga single parents na empleyado ng kapitolyo ang benepisyong 7-day solo parent leave na itinatakda ng batas.
Bukod sa 7-day leave, may iba pang benepisyo ang maaaring makuha gamit ang solo parent ID.
Mensahe ng (designation) ng PHRMO na si Anna
Alivia, lahat ng solo parents ay abot ng benepisyong ito, nagtatrabaho man sa publiko o pribadong ahensya.
Kabilang sa mga kwalipikadong kumuha ng solo parent ID ay ang mga sumusunod:
- Biyudo / biyuda
- Hiwalay sa asawa
- Annulled
- Inabandona ng asawa o kinakasama
- Sinumang tumatayo bilang magulang indibidwal na magulang ng bata (single guardian)
- Rape victims
- Asawa ng bilanggo
- May asawang hindi sapat ang mental na kapasidad