COACH LEE NIN HU, IBINAHAGI ANG KAHALAGAHAN NG MALUSOG NA PANGANGATAWAN UPANG MAGKAROON NG MATIBAY NA PANANAMPALATAYA
Ibinahagi ni Coach Niño Tumbagahan o mas kilala bilang Coach Lee Nin Hu isang Fitness and Nutrition Coach sa Worth the Grind Academy ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan sa pagkakaroon ng lakas upang manampalataya sa Panginoon sa May 20 episode ng programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.
Sa Panayam ni Dra. Kit at guest co-host SF dela Peña kay Coach Lee ay sinabi nito na hindi lamang sa pisikal na pangangatawa nila tinutulungan ang kanilang mga client kundi pati na rin ang kanilang emosyonal at ispiritual na pangangailangan.
Upang mapanatili hindi lamang ang malusog na pangangatawan at relasyon ay nagkakaroon din nina Coach Lee ng sharing of the scripture na pangangalaga naman sa kanilang ispiritual na pangangailangan.
Bago matapos ang programa, isa sa mga iniwang mensahe ni Coach Lee ay ang kahalagahan ng pagasa sa isang tao upang makabangon muli mula sa pagkaka lugmok hindi lamang ng pisikal na katawan kundi pati ng isip at kaluluwa.